Miyerkules, Abril 8, 2015

BLESSINGS OF HAVING A SMALL GROUP

  Before po yun, nagpapasalamat po ako sa Lord sa opportunity na ipinagkaloob Nya sakin. Kay Pastor na nagtiwala sakin na i-handle itong grupo. Para sakin masasabi ko na naging bunga din ako ng small group before. Siguro kung walang small group na tumutulong sakin, nagpapalakas sakin twing may pagsubok, nagpapaalala, nagshishare ng Word of God, group na kasama ko sa malulungkot at masasayang pangyayari sa buhay, siguro wala na ko ngayon dito. In short mahalaga sakin yung small group na kinabibilangan ko before, hanggang ngayon. Isa sila sa naging instrumento ng Lord kaya ako nagpapatuloy, kaya ako nakakapag lead ng small group din ngayon, sila yung mga leaders na tinitingnan ko. Di ko expected na gagamitin din ako ng Lord sa ganitong paraan. Kaya sobrang ng papasalamat ako sa ginagawa ng Lord sa buhay ko.

BLESSINGS OF HAVING A SMALL GROUP 
Anu-ano nga ba yung mga pagpapala kung meron kang small group?

I.  DISCIPLINED IN MY RELATIONSHIP WITH GOD.
Ako mismo nati-trained, nahahasa pagdating sa relationship ko with God. Sa devotions, Bible reading, yung quiet time ko with the Lord. Hindi lang sila yung natututo sakin, pati ako natututo ako sa mga ibinabahagi kong mga aral sa kanila. Ako mismo kailangan kong sumunod sa kung ako yung itinuturo ko sa kanila. Like for example yung pag babasa ng Bible, prayer time, etc. Anu yung ituturo ko sa small group ko kung ako mismo hindi ko si-seek ang Lord, kung hindi ako nagdedevotion, kung hindi ko mini-meditate yung Word of God. Panu ako magiging channel of blessing sa kanila, sa kanilang mga espiritwal na buhay kung ako mismo na nagli-lead sa kanila empty yung Spiritual life. Blessing yung small group  para sakin kasi ako mismo napu-push na kilalanin ko pa ang Lord, na di-discipline na mag aral pa tungkol sa salita ng Diyos. At mas napapanating kong close yung relationship ko with God.

II. SPIRIT FILLED AND SPIRIT LED.
Gaya nga po ng sinabi ko kanina. Panu ako magiging channel of blessing sa kanila, sa kanilang mga espiritwal na buhay kung ako mismo na nagli-lead sa kanila empty yung Spiritual life. Malaki ang naitutulong sakin ng group, dahil sa pamamagitan nila nakakakain din ako Spiritually. Hindi naman pwede na puro kalokohan lang yung ituturo natin sa group, kaya tayo inilagay ng Lord dyan para i-Train sila, para turuan sila sa kung anu ba yung itinuturo ng Bible. Dahil alam kong darating din yung time sila naman yung mag li-lead ng mga small groups. Mahalaga yung mga itinuturo natin sa kanila, kasi kung ano yung natututunan nila satin yun din yung ituturo nila sa mga susunod na generations. Kung dati ok lang na hindi magdevotion kasi wala namang nagchi-check, minsan nagiging paulit-ulit na lang yung prayers natin kasi bibihira na mag pray. Kapag may group kana, meron naring nagmomonitor sayo, sa Spiritual life mo, sa personal mong buhay and maging sa lovelife. Kaya as a leader importante na Spirit filled and Spirit led tayo para sa mga ka group natin. At the same time para sa sarili narin natin.

III. CONCERNED FOR OTHERS RATHER THAN SELF.
          Dati sarili ko lang ang iniisip ko, wala akong paki sa kanila. Madalas pag Sunday lang sila nagkakaroon ng halaga sakin. Sabi nga dati ni Pastor bago ko sila hawakan, palit-palit daw muna ng mga BFF, kung dati madalas na nakikitang kasama ko sila Olah and Jenny ngayon daw sila na muna yung makakasama ko, hindi lang twing Sunday, dapat maging yung weekdays na nagdaan. Sa una sabi ko parang ang hirap, kala ko nga hindi ko makakayanan, di ko alam panu ko yun gagawin o uumpisahan. Feeling ko di ko magagawa.. Feeling ko lang pala, after 8 weeks naming pag i-small group, sa twing nag b-browse ako ng FB ko, nakita ko nalang na puro sila na yung laman ng timeline ko.  I really praise the Lord for that. Sa loob ng ilang weeks na nagkasama kami marami akong natutunan sa kanila.

Una, natuto akong makinig. Mahirap kayang makinig sa kwento ng iba. Mas madali na ikwento natin yung buhay ng iba. Tama ba? Dahil concern ako sa kanila kailangan kong pakinggan kung anu-ano ba yung mga pinagdadaanan ng bawat isa.

Pangalawa, natuto akong makisama. Yung kahit hindi mo trip gawin, gagawin mo kasi yun yung gusto nila, yun yung trip nila. Ex: Sa group majority sa group ko, hindi pala majority lahat sila mahilig kumanta. Ako alam kong walang hilig sakin ang pagkanta kaya isinuko ko na yan. Kahit na ayaw ko yung gawin, dahil yun yung gusto nila sasama ako sa kanila. Maya ishi-share ko nalang yung kwento about don para mas maintindihan nyo yung kwento. J

Pangatlo, natuto akong mas maging maintindihin, iba-iba sila ng characteristics at bawat isa sa kanila ay kailangan kong intindihin. Sa tulong ng Lord nagkakaintindihan naman kami, mas nakikilala na namin ang bawat isa. Basta wag lang palaging sarili natin yung iisipin natin, as a leader concern tayo sa nararamdaman ng mga kagroup natin. Nasa proseso parin tayo ng Lord, sa pamamagitan ng group natin unti-unti rin tayo mino-mold ng Lord sa kung anung nais Nyang plano para sa atin.  Sabi sa quote na nabasa ko, “DISCIPLESHIP is a lifestyle filled with relationships; a life of pouring yourself out for others.”

IV. LEADING OTHERS TO BECOME DISCIPLES.
            Personally, masaya ako ngayon kasi alam kong nagagamit ako ng Lord sa mga ka-group ko.  Sa twing darating yung araw na mag small group na kami, lagi akong kinakabahan, kinakabahan ako kasi natatakot ako sa mga ituturo ko sa kanila. Lagi kong pinagpipray na turuan ako ng Lord sa kung ano ba yung nais Nyang ituro ko sa small group ko.  Hindi naman ako pinababayaan ng Lord, kasi nakikita ko naman na may natututunan naman sila, ganun din ako. J Alam ko na kaya tayo inilagay ng Lord sa group na yan, kasi tayo yung nais Nyang tumulong sa kanila para maging disciples, nasa susunod magiging mga leaders. Bawat isa satin pinlano na ng Lord na maging leader, maging leader ng small group.  Sabi nga sa quote “You can’t make a disciples, if you’re making excuses.” Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan. Ganun din sa pagdi-disciples, kung gusto talaga nating maging kagamit-gamit yung buhay natin sa iba, kung gusto talaga nating magdisciple, magkaroon ng small group. Tayo mismo gagawa ng paraan para maging mga DISCIPLER ng LORD. Tayo mismo gagawa ng paraan para magkaroon ng mga disciples, ng mga small groups. .“Hindi ko ma-imagine na Christian ako at ako’y follower ni Jesus tapos wala akong dini-disciples.” Para sakin hindi yun tugma. Masaya na ikaw mismo alam mong nagiging kagamit gamit ka para sa Lord, alam mong napapasaya mo ang Lord at the same time blessing ka para sa ibang tao.

V. ENJOYING GOD ALWAYS.          
             Hindi natin mararanasan yung pagpapala ng Lord kung tayo mismo hindi masaya sa ginagawa natin. Being a small group leader is definitely a sacrifice of both time and energy. Hindi lang yun, kailangan mo ring mag-sacrifice pagdating sa iyong finances, kaperahan. But when you trust the LORD He will sustain you. Enjoyin lang natin yung group na meron tayo, wag nating isipin na wala tayong pang treat, panglibre sa kanila.. Wag nating isipin na wala tayong kayang ibigay sa kanila. Yung makasama lang nila tayo ng literal, makakwentuhan, makasama sa pananalangin masaya na ang bawat isa don.

TOP 5 FUNNY AND TOUCHING EXPERIENCES TOGETHER
#5 VIDEOKE TIME 
         #WeekOne, pumunta kaming Quantum sa SM NOVA.. Ang kulit lang kasi bumili ako ng token para sa mga ka group ko and lahat binigay ko sa kanila para kung saan nila gusto ok lang.. Sabi ko mag Basketball kami, lahat sila gusto mag Videoke. Natawa lang ako kasi lahat ng token pinangkanta nila, tinirahan naman nila ako ng isa pang basketball ko daw.

#4 THE ROAD          
          #WeekThree & #WeekFour, yung paglalakad namin sa simenteryo together.. yung takbuhan at takutan papuntang  bahay nila Juliebel. Kasi bago ka makarating sa kanila sa sementeryo ka mismo dadaan. Funny experience na nakakatakot kasi nga sa sementeryo kayo dadaan. Masaya kasi magkakasama kayong group na nagtatakutan, nagtatakbuhan. First time naming makadaan don. Yung tipong gusto mo na mauna kaso hindi mo alam yung daan. Tas yung pag maglalakad ka sa baba ka lang nakatingin.

#3 SLEEPLESS NIGHT          
           #WeekTwo, yung nag overnight kami kila Mherica yung halos di na kami matulog. Don naglaro kami ng CONCENTRATION MIXED EMOTIONS.. Kung sino mataya magsasabi ng secret nya or may magtatanong. Pagsumagot maghahampasan ng unan or mga stuff toys. Syempre di rin mawawala don yung kwentuhan. J

#2 THE GIFT          
                Before kami mag overnight, siguro funny experience yun para sa kanila kasi may ginagawa silang gift sakin nung Hearts Day, pero di nila sinabing para sakin pala yun sabi nila project daw. Touching experience sya para sakin kasi first time ko makarecieve ng gift galing sa small group ko, dati kasi ako yung madalas gumagawa ng gift para sa leader ko. Kaya nung sinurprise nila ko nung time na yun sobrang na touch ako sa ginawa nilang chocolates and letters. Thank you guys. L

#1 SHARING MOMENT          
            #EveryWeek, para sakin masaya yung every week naming magkakasama, yung mapapakinggan mo yung kwento ng bawat isa, yung thanksgiving nila, mga problema, yung malulungkot na kwento. Di lang yun, meron ding asaran, kulitan, kainan, syempre di mawawala sa grupo naming yung group picture. Kahit madalas ginagabi na kami. And touching experience parin sakin, yung after small group yung may magtitext sayo from your group, magpapasalamat sa mga natutunan nila at napakinggan. Sobrang natutuwa ako, nata-touch ako kasi nakakakuha ako ng feed back sa kanila na may natututunan naman pala sila sakin kahit papaano. J Sobrang thankful ko na nagiging pagpapala rin ako sa kanila. Thank you guys. Love y’all. J

            That’s why I really, really thank God sa mga ka-small group ko ngayon, lubos-lubos silang nagiging pagpapala para sakin. Hindi nila madalas naririnig sakin kung gano ako ka thankful na dumating sila sa buhay ko. Aww.. Pero totoo, everytime na may small group kami natutuwa ako twing nakakasama ko sila. Sa lahat ng small group leaders at magiging small group leaders, kaya natin yan guys. Trust God always. He will done great things for you, sakin, at sa bawat isa sa atin. Overall, ang masasabi ko lang po I HAVE BEEN BLESSED AND THANKFUL NA PART AKO NG SMALL GROUP. Thank you po and God bless you all! :)