Before
po yun, nagpapasalamat po ako sa Lord sa opportunity na ipinagkaloob Nya
sakin. Kay Pastor na nagtiwala sakin na i-handle itong grupo. Para
sakin masasabi ko na naging bunga din ako ng small group before. Siguro
kung walang small group na tumutulong sakin, nagpapalakas sakin twing
may pagsubok, nagpapaalala, nagshishare ng Word of God, group na kasama
ko sa malulungkot at masasayang pangyayari sa buhay, siguro wala na ko
ngayon dito. In short mahalaga sakin yung small group na kinabibilangan
ko before, hanggang ngayon. Isa sila sa naging instrumento ng Lord kaya
ako nagpapatuloy, kaya ako nakakapag lead ng small group din ngayon,
sila yung mga leaders na tinitingnan ko. Di ko expected na gagamitin din
ako ng Lord sa ganitong paraan. Kaya sobrang ng papasalamat ako sa
ginagawa ng Lord sa buhay ko.
BLESSINGS OF HAVING A SMALL GROUP
Anu-ano nga ba yung mga pagpapala kung meron kang small group?
I. DISCIPLINED IN MY RELATIONSHIP WITH GOD.
Ako
mismo nati-trained, nahahasa pagdating sa relationship ko with God. Sa
devotions, Bible reading, yung quiet time ko with the Lord. Hindi lang
sila yung natututo sakin, pati ako natututo ako sa mga ibinabahagi kong
mga aral sa kanila. Ako mismo kailangan kong sumunod sa kung ako yung
itinuturo ko sa kanila. Like for example yung pag babasa ng Bible,
prayer time, etc. Anu yung ituturo ko sa small group ko kung ako mismo
hindi ko si-seek ang Lord, kung hindi ako nagdedevotion, kung hindi ko
mini-meditate yung Word of God. Panu ako magiging channel of blessing sa
kanila, sa kanilang mga espiritwal na buhay kung ako mismo na
nagli-lead sa kanila empty yung Spiritual life. Blessing yung small
group para sakin kasi ako mismo napu-push na kilalanin ko pa ang Lord,
na di-discipline na mag aral pa tungkol sa salita ng Diyos. At mas
napapanating kong close yung relationship ko with God.
II. SPIRIT FILLED AND SPIRIT LED.
Gaya
nga po ng sinabi ko kanina. Panu ako magiging channel of blessing sa
kanila, sa kanilang mga espiritwal na buhay kung ako mismo na nagli-lead
sa kanila empty yung Spiritual life. Malaki ang naitutulong sakin ng
group, dahil sa pamamagitan nila nakakakain din ako Spiritually. Hindi
naman pwede na puro kalokohan lang yung ituturo natin sa group, kaya
tayo inilagay ng Lord dyan para i-Train sila, para turuan sila sa kung
anu ba yung itinuturo ng Bible. Dahil alam kong darating din yung time
sila naman yung mag li-lead ng mga small groups. Mahalaga yung mga
itinuturo natin sa kanila, kasi kung ano yung natututunan nila satin yun
din yung ituturo nila sa mga susunod na generations. Kung dati ok lang
na hindi magdevotion kasi wala namang nagchi-check, minsan nagiging
paulit-ulit na lang yung prayers natin kasi bibihira na mag pray. Kapag
may group kana, meron naring nagmomonitor sayo, sa Spiritual life mo, sa
personal mong buhay and maging sa lovelife. Kaya as a leader importante
na Spirit filled and Spirit led tayo para sa mga ka group natin. At the
same time para sa sarili narin natin.
III. CONCERNED FOR OTHERS RATHER THAN SELF.
Dati
sarili ko lang ang iniisip ko, wala akong paki sa kanila. Madalas pag
Sunday lang sila nagkakaroon ng halaga sakin. Sabi nga dati ni Pastor
bago ko sila hawakan, palit-palit daw muna ng mga BFF, kung dati madalas
na nakikitang kasama ko sila Olah and Jenny ngayon daw sila na muna
yung makakasama ko, hindi lang twing Sunday, dapat maging yung weekdays
na nagdaan. Sa una sabi ko parang ang hirap, kala ko nga hindi ko
makakayanan, di ko alam panu ko yun gagawin o uumpisahan. Feeling ko di
ko magagawa.. Feeling ko lang pala, after 8 weeks naming pag i-small
group, sa twing nag b-browse ako ng FB ko, nakita ko nalang na puro sila
na yung laman ng timeline ko. I really praise the Lord for that. Sa
loob ng ilang weeks na nagkasama kami marami akong natutunan sa kanila.
Una,
natuto akong makinig. Mahirap kayang makinig sa kwento ng iba. Mas
madali na ikwento natin yung buhay ng iba. Tama ba? Dahil concern ako sa
kanila kailangan kong pakinggan kung anu-ano ba yung mga pinagdadaanan
ng bawat isa.
Pangalawa, natuto akong
makisama. Yung kahit hindi mo trip gawin, gagawin mo kasi yun yung gusto
nila, yun yung trip nila. Ex: Sa group majority sa group ko, hindi pala
majority lahat sila mahilig kumanta. Ako alam kong walang hilig sakin
ang pagkanta kaya isinuko ko na yan. Kahit na ayaw ko yung gawin, dahil
yun yung gusto nila sasama ako sa kanila. Maya ishi-share ko nalang yung
kwento about don para mas maintindihan nyo yung kwento. J
Pangatlo,
natuto akong mas maging maintindihin, iba-iba sila ng characteristics
at bawat isa sa kanila ay kailangan kong intindihin. Sa tulong ng Lord
nagkakaintindihan naman kami, mas nakikilala na namin ang bawat isa.
Basta wag lang palaging sarili natin yung iisipin natin, as a leader
concern tayo sa nararamdaman ng mga kagroup natin. Nasa proseso parin
tayo ng Lord, sa pamamagitan ng group natin unti-unti rin tayo mino-mold
ng Lord sa kung anung nais Nyang plano para sa atin. Sabi sa quote na
nabasa ko, “DISCIPLESHIP is a lifestyle filled with relationships; a life of pouring yourself out for others.”
IV. LEADING OTHERS TO BECOME DISCIPLES.
Personally, masaya ako ngayon kasi alam kong nagagamit ako ng Lord sa
mga ka-group ko. Sa twing darating yung araw na mag small group na
kami, lagi akong kinakabahan, kinakabahan ako kasi natatakot ako sa mga
ituturo ko sa kanila. Lagi kong pinagpipray na turuan ako ng Lord sa
kung ano ba yung nais Nyang ituro ko sa small group ko. Hindi naman ako
pinababayaan ng Lord, kasi nakikita ko naman na may natututunan naman
sila, ganun din ako. J Alam ko na kaya tayo inilagay ng Lord sa group na
yan, kasi tayo yung nais Nyang tumulong sa kanila para maging
disciples, nasa susunod magiging mga leaders. Bawat isa satin pinlano na
ng Lord na maging leader, maging leader ng small group. Sabi nga sa
quote “You can’t make a disciples, if you’re making excuses.” Kung
gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan. Ganun din sa
pagdi-disciples, kung gusto talaga nating maging kagamit-gamit yung
buhay natin sa iba, kung gusto talaga nating magdisciple, magkaroon ng
small group. Tayo mismo gagawa ng paraan para maging mga DISCIPLER ng LORD. Tayo mismo gagawa ng paraan para
magkaroon ng mga disciples, ng mga small groups. .“Hindi ko ma-imagine
na Christian ako at ako’y follower ni Jesus tapos wala akong
dini-disciples.” Para sakin hindi yun tugma. Masaya na ikaw mismo alam
mong nagiging kagamit gamit ka para sa Lord, alam mong napapasaya mo ang
Lord at the same time blessing ka para sa ibang tao.
V. ENJOYING GOD ALWAYS.
Hindi natin mararanasan yung pagpapala ng Lord kung tayo mismo hindi masaya sa ginagawa natin. Being a small group leader is definitely a sacrifice of both time and energy. Hindi lang yun, kailangan mo ring mag-sacrifice pagdating sa iyong finances, kaperahan. But when you trust the LORD He will sustain you.
Enjoyin lang natin yung group na meron tayo, wag nating isipin na wala
tayong pang treat, panglibre sa kanila.. Wag nating isipin na wala
tayong kayang ibigay sa kanila. Yung makasama lang nila tayo ng literal,
makakwentuhan, makasama sa pananalangin masaya na ang bawat isa don.
TOP 5 FUNNY AND TOUCHING EXPERIENCES TOGETHER
#5 VIDEOKE TIME
#WeekOne,
pumunta kaming Quantum sa SM NOVA.. Ang kulit lang kasi bumili ako ng
token para sa mga ka group ko and lahat binigay ko sa kanila para kung
saan nila gusto ok lang.. Sabi ko mag Basketball kami, lahat sila gusto
mag Videoke. Natawa lang ako kasi lahat ng token pinangkanta nila,
tinirahan naman nila ako ng isa pang basketball ko daw.
#4 THE ROAD
#WeekThree & #WeekFour, yung paglalakad namin sa simenteryo together.. yung takbuhan at takutan papuntang
bahay nila Juliebel. Kasi bago ka makarating sa kanila sa sementeryo ka
mismo dadaan. Funny experience na nakakatakot kasi nga sa sementeryo
kayo dadaan. Masaya kasi magkakasama kayong group na nagtatakutan,
nagtatakbuhan. First time naming makadaan don. Yung tipong gusto mo na
mauna kaso hindi mo alam yung daan. Tas yung pag maglalakad ka sa baba
ka lang nakatingin.
#3 SLEEPLESS NIGHT
#WeekTwo, yung nag overnight kami kila Mherica yung halos di na kami matulog. Don naglaro kami ng CONCENTRATION MIXED EMOTIONS.. Kung
sino mataya magsasabi ng secret nya or may magtatanong. Pagsumagot
maghahampasan ng unan or mga stuff toys. Syempre di rin mawawala don
yung kwentuhan. J
#2 THE GIFT
Before kami mag overnight, siguro funny experience yun para sa kanila
kasi may ginagawa silang gift sakin nung Hearts Day, pero di nila
sinabing para sakin pala yun sabi nila project daw. Touching experience
sya para sakin kasi first time ko makarecieve ng gift galing sa small
group ko, dati kasi ako yung madalas gumagawa ng gift para sa leader ko.
Kaya nung sinurprise nila ko nung time na yun sobrang na touch ako sa
ginawa nilang chocolates and letters. Thank you guys. L
#1 SHARING MOMENT
#EveryWeek,
para sakin masaya yung every week naming magkakasama, yung
mapapakinggan mo yung kwento ng bawat isa, yung thanksgiving nila, mga
problema, yung malulungkot na kwento. Di lang yun, meron ding asaran,
kulitan, kainan, syempre di mawawala sa grupo naming yung group picture.
Kahit madalas ginagabi na kami. And touching experience parin sakin,
yung after small group yung may magtitext sayo from your group,
magpapasalamat sa mga natutunan nila at napakinggan. Sobrang natutuwa
ako, nata-touch ako kasi nakakakuha ako ng feed back sa kanila na may
natututunan naman pala sila sakin kahit papaano. J Sobrang thankful ko
na nagiging pagpapala rin ako sa kanila. Thank you guys. Love y’all. J
That’s why I
really, really thank God sa mga ka-small group ko ngayon, lubos-lubos
silang nagiging pagpapala para sakin. Hindi nila madalas naririnig sakin
kung gano ako ka thankful na dumating sila sa buhay ko. Aww.. Pero
totoo, everytime na may small group kami natutuwa ako twing nakakasama
ko sila. Sa lahat ng small group leaders at magiging small group
leaders, kaya natin yan guys. Trust God always. He will done great
things for you, sakin, at sa bawat isa sa atin. Overall, ang masasabi ko
lang po I HAVE BEEN BLESSED AND THANKFUL NA PART AKO NG SMALL GROUP. Thank you po and God bless you all! :)